LTO may sarili nang pagawaan ng plaka, 22k plaka kayang tapusin kada araw

Image capture from DOTr Facebook account

Nasimulan na ang madaling proseso ng pagkuha ng lisensya. Ito’y magandang balita naman para sa namomroblema sa plaka ng kanilang sasakyan.

Pinangunahan nina DOTr  Secretary Arthur Tugade at LTO Chief Edgar Galvante ang pasinaya ng LTO Plate Making Facility sa tanggapan nito sa LTO Main Office sa East Avenue sa Quezon City nitong Abril 24.

Ayon sa Facebook post ng Department of Transportation – Philippines, ang pasinaya ay kasabay ng  pagdiriwang ng 106th Founding Anniversary  ng LTO.

Ang pasilidad ay may pitong (7) manual embossing machines na makagagawa ng sariling plaka.

Kakayanin umano ng makinang makatapos ng  22,000 plaka kada araw.

Samantala parating pa ang isang automated embossing machine sa Hulyo na kayang makagawa ng 12,000 plaka kada araw.

Panoorin ang ulat na ito ng PTV  para sa iba pang detalye:

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, PTV

Loading...