Mayor Erap pagkakalooban ng Erap All Star shoes at cash rewards ang 1,500 honor students sa Maynila

Image capture from Manila Mayor Joseph Estrada Facebook account

Pagkakalooban umano ng Manila Mayor ng Erap All Star Shoes ang  1,500 honor students kalakip ang cash reward sa Abril 25.

Ayon sa Manila Mayor Joseph Estrada Facebook post, ang Alkalde  at ang Division of City Schools of Manila ay mamimigay na ng Erap All Star shoes at cash rewards sa 1,500 honor students sa Maynila.

Ipamamahagi umano ang mga ito sa San Andres Sports Complex dakong 2-5 PM bukas, Abril 25 hanggang sa Abril 26.

These are pupils and students who exceptionally exemplified outstanding accomplishments in academics and co-curricular spheres, living up to the mantra of our City — Forward Ever, Backward Never,” ani Manila School Division Superintendent Jenilyn Rose Corpus.

Nangako naman si Mayor Erap na pagkakalooban nito ang 280,000 elementary at high school students sa Maynila ng Erap All Star shoes, bags at iba pang gamit pampaaralan na kanilang gagamitin sa darating na pasukan.

Bago mamahagi ng sapatos si Erap nauna nang namahagi ng sapatos ang Makati na tinawag namang ‘Binay Baller Brand.’

Kasunod nito ang Mandaluyong na tinawag namang ‘Air Abalos.’

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Balita DF

Loading...