Mga pulis-Zamboanga nag-ambagan para sa pamasahe ng isang lalaking niloko matapos alukin ng trabaho

Image capture from Kevin Ce Nivek Facebook account

Nag-ambagan ang ilang mga pulis para sa pamasahe ng isang lalaki na halos walang mapuntahan makaraang lokohin dahil sa alok na trabaho sa Zamboanga City nitong Abril 24.

Ayon sa Facebook post ni Kevin Ce Nivek na isang pulis, ibinahagi nito ang video at larawan ng lalaking si Rolando Castillo na noo’y tatlong araw nang hindi kumakain.

Salaysay ni Nivek, lumapit umano si Castillo sa himpilan ng Zamboanga City Police Station 5. Salaysay niya, siya’y nagmula sa Basak, Mandaue Cebu at napadpad sa kanilang lugar dahil sa alok na trabaho na may malaking suweldo.

Iniwan umano ni Castillo ang kanyang pamilya at binitbit ang kanyang mga gamit sa pag-aakalang totoo ang alok na trabaho.

Pagdating sa terminal doon na siya tinakasan ng nag-alok ng trabaho na dala pa ang kanyang mga gamit. Dahil tatlong araw na walang kain ay sinubukan nitong manghingi sa mga karinderya ngunit siya’y nabigo.

Hindi mapigilang maiyak ni Castillo habang sinasalaysay niya ang mga nangyari sa kanya.

Doon na nag-ambagan ang mga pulis para sa pamasahe ni Castillo upang makapiling na ang kanyang pamilya sa Cebu.

“Kaawaan ka po ng maykapal tay, ingat po sa pag-uwi nyo..”

Noong araw ding iyo, ay nakauwi na si Castillo via Dipolog baon ang P3000 mula sa police trainees at Divisoria police.

Mga pulis-Zamboanga, si Lord na po ang bahala sa inyo!

Narito ang buong kuwento ni kuya.

Source :

Facebook

Loading...