Naiwang konduktor ng bus, naging katatawanan sa mga netizens

Image capture from John Pabs Calizo Facebook account

Madalas na nagpapaalala ang mga konduktor  ng bus sa mga pasahero tuwing nag-stop over kung sila’y kakain o kaya’y gagamit ng comfort room.

S’yempre, para huwag sila maiwan ng bus! Pero paano kaya kung ang mismong konduktor ng bus ang maiwan sa biyahe?

Nag-viral ngayon sa social media ang larawan ng isang bus na nakaiwan ng konduktor.

Sa Facebook post ng Car Brazzer.TV , ibinahagi nito ang video kung saan namomroblema umano ang bus driver dahil naiwan ang kanyang konduktor.

Ayon sa caption sa post: “Sa sobrang hataw ng bus papunta Baclaran, naiwan na pala yung konduktor sa Sm fairview. Samen pa tinatanonong ng driver kung nasan daw yung konduktor. Ang dami tuloy nalibreng sa pamasahe”

Ayon sa post, biyaheng Baclaran ang naturang bus mula sa Fairview. Nagulat umano ang netizen dahil sa pasahero tinatanong ang konduktor ng bus.

Paliwanag ng driver, bumaba lamang ang konduktor ngunit hindi nagpaalam. Dahil dito marami tuloy nalibre sa pamasahe.

Hindi naman mare-fund ng driver ang pera kasi nga’y hawak ng konduktor ang pera.  Bumaba na lamang ang netizen dahil baka mahuli ito sa kanyang trabaho.

Naging katatawanan ang pangyayaring ito sa mga netizens.

Source :

Facebook

Loading...