Netizen, ibinahagi ang mga likhang “Bagani costumes” na yari sa recycled materials

Mga larawan mula sa Facebook account ni Maria Purple De Viri

Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain at mapamaraan. Sa bawat bagay na nakikita sa paligid, lalo na ang mga patapon na, ay maaaring makabuo ng isang katangi-tanging kasangkapan, o kaya naman ay likhang-sining.

Maaari ring ito ay sagot sa lumalalang suliranin sa pagdami ng basura.

Kaugnay dito, ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Maria Purple De Viri sa kanyang Facebook account ang kanyang mga likhang costumes o kasuotan ng hit fantaseryeng Bagani na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Liza Soberano, Matteo Guidecilli, at Makisig Morales sa ABS-CBN Primetime Bida.

Ginaya ng netizen ang karakter ni Liza na si “Ganda” sa pamamagitan ng pagsusuot ng costumes na yari sa sachet ng isang sikat na brand ng kape, gatas, at fabric conditioner.

Pages ( 1 of 3 ):
1
23Next Page »

Loading...