Paalala sa mga nanay hinggil sa pagsasabit ng puting toga sa labas ng bahay

Mga larawan mula sa Facebook account ni Jake Dela Cruz

Panahon na naman ng pagtatapos para sa elementarya, senior high school, at kolehiyo kaya kaliwa’t kanan ang mga posted photos ng graduation ceremonies, mga mag-aaral na nagkamit ng napakaraming medals, ribbons, at certificates dahil sa academic awards na natamo, at mga larawan ng nakasuot na puti o itim na toga.

Kaugnay dito, nagpaalala naman sa kanyang social media account ang isang netizen na nagngangalang Jake dela Cruz sa lahat ng nanay ng mga magsisipagtapos, hinggil sa pagsasabit ng nilabhang puting toga sa labas ng kanilang bahay sa gabi.

Nakapagpapalaglag umano ito ng puso. Nakapagpapanindig-balahibo nga naman ito!

Bakit kaya?

PAALALA po sa may mga anak na gagraduate.. pag po nilabhan nyo ung toga wag nmn po isasampay sa hating gabi lalo n po wag sa labas ng bahay.. lalong lalo na po sa may mga bahay na tabing daan sa morong road.. PAKI USAP PO ikwarto nyu ung toga.. NAKAKALAGLAG PO NG PUSO!!

Makikita sa larawan na kung isasabit nga naman ang puting toga sa sampayan sa dis-oras ng gabi, maaari itong mapagkamalang multo o nakalutang na white lady ng sinumang daraan.

Kinaaliwan ng mga netizens ang post na ito na halos umabot na sa 18,000 shares.

Samantala, paano nga ba nagsimula ang pagsusuot ng toga?

Nagsimula ito sa bansang Colombia noong ika-12 at 13 siglo kung saan ang mga mag-aaral ay nagsusuot nito tuwing graduation bilang pagpapakita ng pagkakaiba-iba ng kanilang kinabibilangang relihiyon. Dahil ang pormal na edukasyon ay dinala sa mga Pilipino ng mga Amerikano, naging tradisyon na ang pagsusuot ng toga bilang simbolo ng naabot o natamong edukasyon.

Kadalasan, puti ang kulay ng toga sa elementarya at sekundarya habang itim naman sa kolehiyo. Sa Unibersidad ng Pilipinas, ang mga nagsisipagtapos ay nakasuot naman ng Filipiniana at sinasamahan ng tinatawag na sablay na sagisag ng kaalaman.

Loading...