Pagkalipas ng halos 15 taon: Hero, hangad makatrabahong muli si Sandara

Mga imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment at Can This Be Love poster sa Wikipedia

Naaalala mo pa ba ang popular na tambalang “HeroSan” mula sa Star Circle Quest Batch 1? Halos 15 taon na rin ang nakararaan mula noong huling nagsama sa pelikula ang sina Hero Angeles at Sandara Park.

Sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, ibinahagi ni Angeles sa host na si Boy Abunda na matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ng dating ka-love team at ka-batch sa Star Circle Quest na si Park.

“Hindi pa kami nagkakausap ulit,” aniya.

“(Huling nagkita kami ay noong) 2006. Movie namin,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung ano ang sasabihin niya sa singer-actress kung magkikita mula sila, natatawang sabi ng aktor, “Hindi ko nga alam e.”

Samantala, ibinahagi niya ang isang nakatutuwang pangyayari noong papunta siya sa nasabing programa.

“Ang nakakatuwa, noong papunta ako rito, nakasalubong ko si Direk Cathy. First director namin sa movie. Ta’s first movie niya kami rin ‘yong hinandle niya. Sabi nga niya sana magka-movie tayo ulit. Sabi ko, sana talaga,” masayang wika niya.

Narito ang panayam sa aktor:

Mukhang iminumungkahi ng pagkakataon ang pagbabalik-tambalan nila, ah!

Ating balikan ang huling pelikula nina Angeles at Park: