Pagsakay sa maling van ni Angeline Quinto, kinaaliwan ng mga netizens

Image capture from Angeline Quinto Instagram account

Wow sablay!

Kinaaliwan sa social media si “ASAP” mainstay Angeline Quinto makaraang magkamali ito sa pagsakay ng van.

Sa Instagram post ni Quinto, ibinahagi niya ang kanyang video na kinaaliwan ng mga netizens.

Ito na yata ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko😱😬 Sa may ari nitong sasakyan pasensya napo. @praybeytbenjamin 😳

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

Mapanonood sa video na sinamahan pa ito ng dalawa niyang kasama upang sumakay sa van ngunit ibang van pala ito.

Hindi yata ‘to sa ‘yo!” ayon sa kasama ni Quinto. Inakala kasi ng “Patuloy ang Pangarap” hitmaker na sa kanila ang sasakyan dahil doon nakaparada at nakabukas pa ang pinto nito.

Kanino ba ‘tong sasakyang ‘to? Sorry po! Dito kasi pumarada, akala ko dito!” ani Quinto na nagmamadaling umalis.

As of this posting, aabot na sa 831k  views ang naturang video at may mahigit 2,000 nang comments na karamiha’y naaaliw sa reaksiyon ni Quinto.

Napag-alaman na ang may-ari pala ng van ay malapit na kaibigan ni Vice Ganda.

Tag ni Quinto kay Vice: “Ito na yata ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Sa may ari nitong sasakyan pasensya na po.”

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, ABS CBN

Loading...