Please beware! Huwag hayaang pakalat-kalat ang cell phone charger

Image capture from Pinoy Videos Facebook account

Kaawa-awa ang sinapit ng isang babae matapos makatapak ng cell phone charger.

Sa Facebook post ng Pinoy Video, ibinahagi nito ang larawan ng naturang babae na naka-wheel chair makaraang ipagamot at tanggalin ang bumaong cell phone charger sa kanyang paa.

Ito ay may caption na: “Get well soon! Pls beware!”

Hindi naman idinetalye sa naturang post kung ano ang tunay na pangyayari sa nasabing nsidente. Ngunit paniwala ng ilang  mga netizens ay magulo ang kuwarto ng babae kaya’t naaksidente ito.

Samantala pinag-iingat naman ng ina ng biktima ang mga netizens sa pagkokomento sa sinapit ng kanyang anak.

Ayon sa ina, ang nangyari sa anak ay babala sa lahat dahil kaninoman ay maaari itong mangyari.

“This post is for everyone’s awareness, be careful with your comments! Anything can happen, and this can happen to you or anyone from your family! This is the raging mother!”

Noong 2017, ganito rin ang nangyari kay Julia Pechar, 18-anyos, high school student,  mula Nebraska, USA na dumanas ng parehong aksidente dahil sa hindi pag-aayos ng kanyang kuwarto.

Ayon sa ulat, hindi nakikinig si Pechar sa kanyang mga magulang na linisin ang kanyang silid  kaya naman nauwi ito sa kapahamakan.

Imahe mula sa Twitter ni Julia Pechar
Imahe mula sa Twitter ni Julia Pechar

Ibayong pag-iingat sa lahat!

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Balita DF

Loading...