PNP Chief Oscar Albayalde at ang maybahay nito, nagdaos ng simpleng salu-salo

Image capture from Oscar Albayalde Facebook account

Nagdaos ng simpleng salu-salo sina Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde at ang kanyang may bahay.

Sa Facebook post ni Oscar Albayalde, ibinahagi nito ang simpleng salu-salo kapiling ang kanyang misis na si Cherrylyn Albayalde na isang medical technologist.

Ito ay may caption na: “Meet the chief of the PNP Chief. Sabi niya kasi simple celebration lang. So I took her orders.”

Pinaniniwalaan na ang ipinagdiriwang ng mag-asawa ay ang pagkakatalaga ni Oscar bilang PNP chief.

Nakaaaliw at nakahain sa kanilang hapag ang chickenjoy ng isang sikat na food chain.

Kapansin-pansin ding may dalawang takeout paper bags sa kanilang lamesa na tila para sa kanilang mga anak.

Ang mag-asawang Albayalde ay may tatlong anak.

Mas kilatisin pa ang bagong talagang PNP chief sa ulat na ito ng CNN:

Loading...