PNP may bagong istratehiya laban sa riding-in-tandem criminals – PNP Chief Albayalde

Imahe mula sa Facebook page ng PTV News

May bagong plano o istratehiya ang Philippine National Police (PNP) upang labanan, kung hindi man tuluyang masugpo, ang mga riding-in-tandem (RIT) criminals.

Sa ulat ng Abante TNT, ipinahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na nakatakdang ipatupad ang bagong istratehiya pagkatapos ng Barangay at Sangguniang Kabaataan elections na gaganapin sa ika-14 ng Mayo.

“May pinaplano na kami diyan to address the riding in tandem beside doon sa pinaigting nating oplan sita and checkpoint operation. After election may ila-launch na bagong project para ma-double o ma-address ‘yung riding in tandem incidents. As of this time ang importante ay ang oplan sita natin, police visibility at check point operation,” sabi ni Albayalde.

Habang hindi pa umano nakalatag ang bagong istratehiya laban sa mga RIT criminals ay mas lalong paiigtingin ang Oplan Sita.

Ibinunyag ni Albayalde na bumaba na ng mahigit 50% ang bilang ng insidente na kinasangkutan ng mga RIT criminals. Mas maaari pa umano itong bumaba kapag naipatupad na ang bagong istratehiya.

 

Loading...