Proud dad Vhong: Anak, ang sarap ng pakiramdam na makita kang umaakyat sa stage

Imahe mula sa Instagram account ni @vhongx44

Masayang-masaya ang aktor na si Vhong Navarro sa pagtatapos ng kanyang anak na si Isaiah “Yce” Navarro.

Sa Instagram, ibinahagi ni Vhong ang ilang larawang kuha mula sa graduation day ng anak.

“Anak ang sarap ng pakiramdam na makita kang umaakyat sa stage. ‘Yang ngiti mo na ‘yan, triple ang saya na nararamdaman ko,” saad niya sa caption ng mga litrato.

“Sabi ko naman sayo kayang-kaya mo. Mahal na mahal kita, @yceking ! Proud na proud kami sa’yo ng Mommy @biancalapus, Kuya @fredrieknavarro, at Tita @t.winona mo. We love you! ” dagdag pa niya.

Kasama nina Vhong at Yce sa mga larawan sina Bianca at Fredriek. Kitang-kita ang tuwa sa mukha nila.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram

Loading...