Pulis na naglaan ng snacks sa babaeng diumano’y may diperensya sa pag-iisip, umantig sa netizens

Image capture from Matalinong Matsing Recap Facebook account

Lakas maka-good vibes ni manong pulis!

Aminin natin o hindi kapag may lumalapit sa ating taong may tama sa pag-iisip, ito’y kadalasan nating iniiwasan, nilalayuan. Ngunit iba itong ‘loding’ pulis na ito.

Aba! Sa halip na iwasan, sinaluhan pa niya itong kumain.

Sa Facebook post ng Matalinong Matsing, ibinahagi nito ang larawan ng isang pulis habang kasabay nitong kumain  ang babae na diumano’y tila wala sa tamang pag-iisip.

Ayon sa post, tinitignan ng netizen ang pag-usap ng pulis at babae. Maya-maya pa’y binilhan ng pulis ang babae ng burger at soft drinks at sinabayan itong kumain.

Umani naman ng papuri ang good deeds na ito ni manong pulis.

Hindi naman natukoy ang pangalan ng mabuting pulis.

Pagpalain ka nawa ng Panginoon, manong pulis!

 

Source :

Facebook, KAMI

Loading...