Relationship goals! Magkasintahan sabay pumasa sa Bar Exam

Image capture from Lanz Olives Facebook account

Wala na yatang sasarap pa para sa magkasintahan na  sabay na inaabot ang kanilang mga pangarap!

Magkasabay na pumasa ang isang couple sa katatapos lamang na 2017 Bar Examination.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ang magkasintahan ay kinilalang sina Atty. Lanz Olives at Atty. Michelle Vale Cruz

Ang magkasintahan ay parehong 24-anyos.  Anila, hindi raw nila inasahang sila’y makapapasa sa exam dahil na rin sa mababang percentage ng mga pinalad na makapasa na aabot lamang sa 25.55%  o kabuuang 1,724 na pumasa mula sa mahigit 6,000 na kumuha ng pagsusulit.

Ang magkasintahan ay kapwa taga-Cavite at parehong nagtapos ng abogasya sa De La Salle University sa Maynila. Ito rin umano ang unang beses na sila’y kumuha ng pagsusulit.

Tatlong taon na umanong magkasintahan sina Olives at Cruz. Wala pa rin sa kanilang plano ang magpakasal dahil pokus muna sila sa kanilang career.

Ipagpapatuloy pa rin umano nina Olives at Cruz ang kani-kanilang trabaho sa magkahiwalay na law firm matapos pumasa sa pagsusulit.

Nitong Abril 26,  inilabas na ang resulta ng bar exam kung saan bumida ang law graduate mula sa University of St. La Salle Bacolod makaraang manguna sa 2017 Bar examinations na may score na 91.05 percent.

Kina Olives at Cruz, nawa’y maging inspirasyon kayo sa mga kabataan! Congratulations!

 

Loading...