Royal baby boy! Duchess Kate at Prince William isinilang na ang pangatlong anak

Image capture from Billboard Twitter account

Growing royal family!

Isinilang na ang ikatlong anak nina Duchess ng Cambridge at Prince William ng Britanya at ito’y isang sanggol na lalaki.

Sa Twitter post ng Kensington Palace, masayang inanunsyo nito ang magandang balita.

Ang baby boy ay may timbang na 3.8 kilograms.

Si Duchess Kate Middleton ay nagsilang ng anak sa St. Mary’s Hospital sa Paddington, London dakong 11 ng umaga.

Agad na ipinaalam sa Queen, Duke ng Edinburgh, Prince ng Wales, Duchess ng Cornwall, Prince Harry at mga pamilya nila ang nasabing magandang balita.

Unang anak nina Prince William ang 4-anyos na si Prince George at Princess Charlotte na 2-anyos. Ang sanggol  ang ikaanim na apo sa tuhod ni Queen Elizabeth II.

Si Prince George (2013) at Princess Charlotte (2015) ay isinilang sa parehas na facility kung saan isinilang ang kanilang ama na si Prince William sa Lindo Wing.

Noong  Setyembre 2017 nang ianunsiyo ang pagbubuntis ng duchess.

Congratulations!

Fact-checked against the following source(s) :

Twitter, CBS, CNN

Loading...