Sa halip na OJT, mga bagong pulis sasailalim sa 6 na buwang intense training sa SAF

Image capture from Oscar Albayalde Facebook account/Victoria Tulad

Nais ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde na sumailalim ang mga bagong pulis at bagong officers sa Special Action Force commandos.

We will standardize equipage, training to our personnel, and build better facilities, including bigger detention cells in our police stations,” ayon kay Albayalde sa kanyang talumpati sa PNP change of command na ginanap sa Camp Crame.

All our recruits and new officers shall be required to undergo standard SAF training before they get deployed in the different regions,” dagdag pa nito.

Ayon sa ulat ng PhilStar,  babaguhin ni Albayalde ang training phase sa mga bagong recruit na pulis. Sa halip na i-deploy ang mga ito sa the-job training, sila’y magkakaroon ng anim na buwang intense training sa SAF facility sa Santa Rosa City, Laguna.

Nauna nang iminungkahi ni Albayalde na magkaroon ng isang paaralan na mag-standardize ng mga pagsasanay ng mga kapulisan dahil batid ng NCRPO chief ang disiplina dahil noo’y isa siyang SAF.

 “Where can you see an entry-level position with a salary of P37,000?” ani Albayalde.

Nais din ng bagong PNP Chief na paigtingin ang operasyon laban sa mga  PNP scalawags.

 

Loading...