Sa nagdaang 16 taon, lagi pa rin suot ni Claudine ang relos ni Rico?

Mga imahe mula sa Instagram page na @ricoyanclaudine

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kahit 16 taon na simula noong yumao ang aktor na si Rico Yan ay patuloy pa ring pinahahalagahan ng dating ka-love team at kasintahan niyang si Claudine Barretto ang kanyang mga alaala.

Sa Instagram, ibinahagi ng fan page na @ricoyanclaudine — na fina-follow ng mismong Optimum Star na si Barretto — ang isang collage na naglalaman ng anim na larawan na nagpapakita sa dating magkasintahan habang suot ang magkatulad na relos. (May couple watches na rin pala noon?)

“Hulaan n’yo na lang ano pino-point ko sa post kong ito,” saad sa caption ng post.

Hulaan niyo nalang ano pinopoint ko sa post kong ito ❤❤❤❤❤ #ricoyan #claudinebarretto

A post shared by Rico Yan & Claudine Barretto (@ricoyanclaudine) on

Sa comments section ng post, napansin kaagad ng mga fan ng RYCB (Rico Yan-Claudine Barretto love team) ang mga suot na relos ng dalawa.

Ipinaliwanag ng administrator ng fan page na ang suot ni Barretto sa recent pictures niya ay ang mismong gamit ni Yan sa mga lumang larawan.

“Couple’s watch nila, gush, ‘yung kay Claudine si Santino na ang gumagamit at ang kay Rico si Claudine ang gumagamit. Henebe,” wika nito.

Marami ang natuwa dahil sa pag-iingat ng aktres sa mga gamit ng aktor hanggang ngayon. Marami rin ang nalungkot at nanghinayang sa dalawang nagmamahalan na pinaghiwalay ng kamatayan.

Hindi pa nakauusad

Sa isang recent interview, inamin ni Claudine na hanggang sa ngayon ay palagi pa rin niyang dala-dala sa puso niya ang bigat na dulot ng pagkawala ni Rico.

“Hanggang ngayon dala-dala ko because I never really grieved. I just really kept on working and working. I wanted to tire myself para pag-uwi ko tulog na lang, hindi ko na maisip iyong pagkamatay ng boyfriend ko, ng ex-boyfriend ko. Ang gusto ko lang mapagod. Hindi pa talaga ako nakapag-rest para umiyak. Up to this day,” pagbabahagi niya.

“I tried to leave iyong part ng kay Rico behind when I got married kasi siyempre I had to focus on my husband and my children, but it was always there. Pagka-birthday, nandiyan na naman ako. And kahit papaano naman, naging supportive ‘yong ex-husband ko,” dagdag pa ng aktres.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Balita DF, Balita DF, YouTube

Loading...