Standhardinger nakapag-practice na sa SMB; 2 PBA championship ngayong taon nais masungkit

Image capture from San Miguel Beermen - SMB Facebook account/Public domain

Nais umanong masungkit ng 2017 PBA number one pick na si Christian Standhardinger ang dalawang championship ngayong taon.

Ayon sa ulat ng Spin, nagsimula nang mag-ensayo si Standhardinger  sa San Miguel Beermen makaraang masibak ang kanyang koponan na Hongkong Eastern sa ASEAN Basketball League. Ang kanyang koponan ay tinalo ng Alab Pilipinas sa semifinals match.

Dahil bigo sa kampeonato sa ABL, mas malaki umano ang tsansa ni Standhardinger na manalo ng mas maraming tropeo sa SMB.

My job is to really see what I can do, what I can personally do, to try make this great team a little bit better,” ani Standhardinger.

 “I will try to do that, and we will see what happens, and I hope that we win two more championships this year,” dagdag pa nito.

Wika pa ng 28-anyos na Fil-German, malakas na ang koponan ng SMB, kaya naman sisikapin niyang ‘to make something happen’ para sa kanyang koponan.

Sasamahan ni Standhardinger  si 4x PBA MVP  June Mar Fajardo sa SMB na pinaniniwalaang magiging sakit ng ulo ng 11 koponan sa liga.

Ang San Miguel ay kagagaling lamang sa ikaapat na sunod na Philippine Cup championship.

Panoorin ang panayam na ito kay Standhardinger sa video ni Lyn Olavario:

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Spin, ABS CBN

Loading...