Throwback! Batang 90’s ibinida ang Perla bilang pampaputi ng balat

Image capture from Batang Pinoy - Ngayon at Noon Facebook account

Bago pa man naglabasan ang iba’t ibang uri ng pampaputi tulad ng mga glutathione at kojic soap ay may nauna nang sumikat kaysa rito?

Hi batang 90’s!

Dekada ’90 nang sumikat ang sabong panlabang Perla dahil ito raw ay nakapagpapaputi ng balat.

Sa Facebook post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, nag-throw back ito ng larawan ng Perlang sabon na kinaaliwan naman ng mga netizens.

Sa post, hindi naiwasang magkomento ng mga netizens na nagpatotoo pa sa naging resulta sa kanila ng sabon.

May nagbahagi rin na naging epektibo umano ang sabon bilang panlinis ng sugat.

May ilan ding umamin na hanggang sa kasalukuyan ay gumagamit pa rin ng naturang sabon dahil sa magandang epekto nito sa balat.

Aba, hindi lamang pala nakapagpapaputi ng damit ang Perla; pati na rin umano sa balat ng tao.

Sa kasalukuyan ay may Perla papaya maliban sa orihinal na puti.

Public domain
Public domain

Wala namang paliwanag ang Siyensya tungkol sa taglay na pampaputi sa balat ng Perla.

Oh! Baka ikaw na lang ang hindi nakasusubok?! Try mo na!

Source :

Facebook

Loading...