Tindahan ni Rapunzel? Sari-sari store sa ikalawang palapag, nag-viral

Imahe mula sa Facebook account ni Ker Madera

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang tindahan na nasa ikalawang palapag at para bang pag-aari ni Rapunzel; ang karakter sa isang fairy tale na may napakahabang buhok at nakatira sa isang tore.

Sa Facebook, ibinahagi ng user na si Ker Madera ang larawan ng tindahan.

“Pahbileeh,” lamang ang nakasaad sa caption ng litrato.

Sadyang napakataas kung kaya isang palaisipan sa marami kung paano nagbebenta ang tindera at kung paano nagbabayad ang bumibili.

Samantala, nakakuha ng maraming komento ang larawan.

“Taas ng tindahan ‘di mananakawan,” ani JR.

“Seryoso ‘yan? HAHAAHAHA,” kumento ni DZ.

“Wow lupet, pano pag itlog binili ihahagis pababa,” wika ni NT.

Libu-libo na ang nag-react at nag-share ng nasabing larawan.

Source :

Facebook