Tunay na inspirasyon! Miryenda vendor sa Laguna nagtapos ng BS Accountancy, Cum Laude

Image capture from Jogie Macaraeg Papillera Facebook account

Kahanga-hanga ang isang 21-anyos na babaeng  iskolar na isang tindera ng miryenda sa kanilang lugar sa Laguna na nakapagtapos at nag-Cum Laude pa.

Sa Facebook post ni Jogie Macaraeg Papillera, proud na ibinahagi nito ang kanyang hirap na pinagdaanan bago nakapagtapos sa kanyang pag-aaral.

Dati, naglalako lang ako dito sa Canlubang ng meryenda, tirik ang araw, sakit ng lalamunan kakasigaw, ang bigat ng dala, tapos kahaggard pa. Pero ngayon, graduate na sa kursong Bachelor of Science in Accountancy, CUM LAUDE pa!” ani Jogie sa kanyang post.

Si Jogie ay nagtapos ng kanyang BS Accountancy sa San Sebastian Recoleto-Canlubang Laguna. Ang unibersidad na ito ang saksi sa sipag at tiyaga niya sa pag-aaral.

Umani rin siya ng maraming parangal sa kanyang pagtatapos.

Si Jogie ay high school valedictorian din. Mahirap man ang pinagdadaanan, pasok sa umaga at paglalako sa hapon ay hindi nito napabayaan ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan, siya umano’y consistent honor.

Congratulations, Jogie! Isa kang inspirasyon sa maraming kabataan!

Source :

Facebook

Loading...