[Video] Batikang reporter na si Jiggy Manicad, nagpaalam na sa pamamahayag

Nagpaalam na sa pagiging mamamahayag ang batikang television reporter na si Jiggy Manicad.

Sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, April 21, nagpasalamat si Manicad sa lahat ng tumangkilik at nagtiwala sa kanya.

“Nais ko pong magpasalamat sa inyong lahat sa pagtangkilik sa aking mga programang itinatag dito sa GMA Network; ang Reporter’s Notebook at Quick Response Team,” aniya.

“At siyempre, sa 24 Oras Weekend. Salamat po sa inyong tiwala sa akin bilang mamamahayag; tiwala sa integridad at kredibilidad,” wika niya.

Hiling ni Manicad, sana ay samahan siya sa “ibang lebel ng serbisyong publiko na kabibilangan niya.

“Sa 23 years ko pong pagiging journalist, naniniwala po akong kahit papa’no’y nakapaghatid ako sa inyo ng public service. At nawa po samahan ninyo ako sa pagsubok kong pumasok sa ibang lebel ng serbisyong publiko,” sabi pa niya.

Sa huli, tinapos niya ang pahayag sa pamamagitan ng, “At muli po, maraming salamat. Ako po si Jiggy Manicad, at see you soon.”

Fact-checked against the following source(s) :

YouTube

Loading...