[Video] Pag-alalay ni Joshua kay Julia, puring-puri sa Instagram

Mga imahe mula sa Instagram account na @joshlia_ksa

Marami ang pumuri sa ginawang pag-alalay ng aktor na si Joshua Garcia sa kanyang onscreen partner at rumored girlfriend na si Julia Barretto.

Sa Instagram, ibinahagi ng page na @joshlia_ksa ang isang video kung saan inalalayan nang husto ni Garcia si Barretto sa pagtawid sa isang malupa at mabatong parte ng shoot location nila dahil nakasuot ng stilettos ang aktres.

“Jusko, puso kooo! Baba strike again!” saad sa caption ng video.

Makikita sa video na nahirapan si Barretto na tumawid sa nasabing bahagi ng location. Noong una ay inaakay lamang ito ni Garcia ngunit nang mapansin niyang nahihirapan na talaga ang aktres ay binuhat na niya ito hanggang sa maging maayos na ang dadaanan nila.

Marami ang nag-iwan ng komento sa video.

“OMG! Kilig much ako! Super idol ko ‘tong mga ‘to. God bless,” ani @realprettynads.

“So, tama talaga ang sinabi ni Ms. Sharon. May sinabi kasi s’ya sa Movie nila noon sa Unexpectedly Yours. Super sweet ang dalawa off cam. Alagang-alaga niya si Julia,” wika ni @scarchardpyland.

“Haaaay! Sana lahat ng lalaki sa mundo kagaya mo, Josh!” hiling naman ni @jj_f1.

<

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram

Loading...