[Video] Vice kay Jackque: Alam kong bakla ako pero bakit parang gusto kita?

Mga imahe mula sa Facebook video ng ABS-CBN

Kinilig ang marami sa sagutan nina Vice Ganda at Jackque Gonzaga sa programang It’s Showtime.

Sa Facebook, ibinahagi ng ABS-CBN ang isang “#ViceJack moment” mula sa recent episode ng noontime show.

“Paano mo nasabing na-miss mo ako?” tanong ni Vice kay Jackque.

“Hindi pa ako pumapasok naiisip na kita,” sagot naman ni Jackque.

“Jackque, joke iyan, joke iyan, jino-joke mo ako,” wika ni Vice.

“Hindi ako nagjo-joke,” ani Jackque.

“Na-miss mo ako?” tanong muli ni Vice.

Mabilis na tugon ni Jackque, “Oo.”

Tinanong ng host kung na-excite ba pumasok ang tinaguriang “Ate Girl” dahil nais siyang makita nito.

“Oo naman,” sagot nito sa kanya.

“Kiss mo nga ako! Kasi ako ngayong papasok ngayong araw na ‘to, natatakot ako, e. Hindi ko na kasi alam kung alin ‘yong totoo. Biruan ba ‘to o totoo?” tanong ni Vice.

“Ano ba’ng sinasabi ng puso mo?” pagtatanong din ni Jackque.

“‘Yon nga, Jackque, naguguluhan na ako kasi nga alam kong bakla ako pero parang bakit gusto kita?” tugon ni Vice.

Dinig na dinig ang hiyawan ng audience.

Samantala, as of posting, nakakuha na ang video ng halos 31,000 shares, halos 40,000 reactions, at lampas 1.25 million views.

May pantapat na ba sa AlDub ang It’s Showtime?

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook

Loading...