1-year-old na anak nina Chito at Neri, marami nang naipinta

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @mrsnerimiranda at @chitomirandajr

Tuwang-tuwa ang proud mommy na si Neri Naig sa ipinakikitang interes at kakayahan ng anak nila ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda na si Miggy.

Sa Instagram, ibinahagi ni Neri ang larawan ni Miggy, na isang taong gulang pa lamang, habang kasama ang kanyang mga painting.

“Miggy and his paintings! Excited na akong i-display ang paintings mo, mahal ko! Nakaka-proud ka! Iba pala talaga kapag magulang ka na, lahat ng ginagawa ng anak mo, tuwang tuwa ka, lahat ay napakaganda!” saad ng aktres sa caption.

“Isang taon ka pa lang pero pinapakitaan mo na kami ng talento mo. Kahit puro abstract lahat ‘yan, sa paningin ni Mommy, parang professional painter ang gumawa! Proud si Mommy Neri sa’yo! Teka, magpupunas muna ako ng luha. Haaay,” dagdag pa ni Neri.

Narito ang mga obra ni Miggy:

Loading...