17 pulis na pumasa sa Bar, hinikayat na manatili sa PNP

MAYNILA, Pilipinas – Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na manatili sa ahensiya ang mga pulis na pumasa sa Bar examinations noong nakaraang taon.

Ayon kay Albayalde, may 17 pulis na matagumpay na naipasa ang 2017 Bar exam at ngayon ay ganap nang mga abogado.

“We have counted so far, 17 new PNP lawyers—three police commissioned officers, 13 police non-commissioned officers, and one non-uniformed personnel—who will soon take their oath as members of the Philippine Bar and officers of the court,”  anang PNP chief.

Umaasa rin si Albayalde na hindi tuluyang lilisanin ng mga pumasang pulis ang PNP kahit pa makatanggap ang mga ito ng magandang alok mula sa pribadong sektor.

“I am happy for our new PNP lawyers. I hope they will continue to serve the PNP despite the lucrative prospects that are available for them in the private sector,” anito.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan ng organisasyon ang serbisyo nila upang mas mapalakas ang kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad.

“The PNP needs their services to add more teeth to our legal offensive in the campaign against criminality, illegal drugs and corruption,” wika ni Albayalde.

Sa inilabas na resulta ng Bar exam mula sa Korte Suprema, umabot lamang sa 1,724 or 25.55 porsiyento ang pumasa mula sa kabuuang  6,748 na sumubok noong Nobyembre 2017.

Loading…