4 na pulis, tinulungan ang ginang na inabutan ng panganganak sa kalsada

Image capture of video by GMA News via YouTube account

Bayaning maituturing ang apat na pulis matapos nilang tulungan ang isang ginang na inabutan ng panganganak sa kalsada ng Guipos, Zamboanga del Sur.

Ayon sa salaysay ng mga pulis, pabalik na sila sa kanilang istasyon nang makita nila si “Jocelyn” na nakahiga sa gitna ng kalsada.

Pumutok na ang “panubigan” ni “Jocelyn” habang itinatakbo siya ng mga pulis sa Rural Health Unit, ayon sa ulat ng Balitanghali.

Sa inisyal na ulat ng Bombo Radyo, sinabi na pinangunahan nina SPO1 Maridel Balis at PO3 Rosel Maglente ang pagtulong kay “Jocelyn”.

Lubos naman ang pasasalamat ni “Jocelyn” sa apat na pulis na sumaklolo sa kanilang mag-ina.

Masaya naman ang mga pulis sa nagawang nilang pagtulong.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News:

Loading...