69th Birthday! Mommy Dionisia  nakatanggap ng brand new van mula kay  Manny Pacquiao

Image capture from TV Patrol Socsargen Facebook account

Nakatanggap si Mommy Dionisia ng isang brand new van mula sa kanyang anak na si Manny Pacquiao sa ika-69 kaarawan nito.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, inamin ni Mommy D na hiniling nito sa anak ang sasakyan ngunit hindi niya inaasahan ang pagbili nito.

Inihatid ang van sa tahanan ni Mommy D sa VSM Heights Subdivision Phase 1 nitong Mayo 15 ng umaga.

Sinabi ko sa kanya na ‘Nak, gusto ko sana ng van. ‘Nak, last na ‘yan, ‘Nak. Hindi ko in-expect na bibigay niya kasi sabi ni Manny, ‘Okay naman ‘yang sasakyan mo, Ma,” ani Mommy D.

Nagpasalamat ako sa Panginoon kasi wala na akong sakit, pinagaling na ako. Nalagpasan ko na ‘yong mga sakit-sakit,” saad pa nito.

May mensahe naman si Senador Pacquiao sa kanyang ina.

Deserve ng Mama ko ‘yon, kaya binigyan, niregaluhan ko siya ng bagong sasakyan. I am sure happy siya. Ma, mahal na mahal ka namin. Happy birthday, Ma. We love you!” anang Senador.

Si Mommy D ay nagdaos ng kanyang kaarawan sa Mt. Sabrina Resort sa General Santos City nitong Mayo 15. Siya’y nakasuot ng red gown at sinamahan at inalayan ng awitin ng kanyang 42-anyos na boyfriend na si Michael Yamson.

Dumalo sa naturang party ang magkakapatid na Pacquiao at mga apo nito.

Hindi naman nakadalo ang Pambansang kamao sa pagdiriwang dahil sa commitment nito sa Senado.

Loading...