Ageless beauty! Dawn Zulueta, parang hindi tumatanda

Mga larawan mula sa Instagram account ni Dawn Zulueta

Kung totoo man ang “fountain of youth,” marahil isa ang magaling na aktres na si Dawn Zulueta sa mga nakapagtampisaw o nakainom ng mahiwagang tubig mula rito.

Isa sa mga artistang itinuturing na may pinakamagandang mukha sa showbiz mula pa noong kanyang henerasyon hanggang sa kasalukuyan, pinatunayan ni Dawn ang kanyang ‘ageless beauty’ sa mga throwback photos na mahilig niyang ibinabahagi sa Instagram account na talaga namang ikinahanga ng mga netizen.

Tingnan ang larawan sa ibaba. Ang nasa kaliwa ay kuha ni Dawn noong circa 1994 o 1995 pa batay sa kanyang caption, at ang nasa kanan naman ay kuha sa kasalukuyan. Halos walang pinag-iba, hindi ba?

Mga larawan mula sa Instagram account ni Dawn Zulueta
Mga larawan mula sa Instagram account ni Dawn Zulueta

Narito pa ang ilan sa mga throwback photos ni Dawn sa iba’t ibang panahon.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Dawn Zulueta
Mga larawan mula sa Instagram account ni Dawn Zulueta

Aktibo pa rin sa paggawa ng teleserye at pelikula si Dawn.

Sa kasalukuyan ay gumaganap siyang first lady ng pangulo ng Pilipinas na ginagampanan ni Rowell Santiago sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Loading...