Alamin: Mga patok na “trip” ng kabataan noong 90’s

Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet

Kay sarap alalahanin ang panahon ng kabataan kung saan wala pang masyadong komplikadong mga suliranin at puro tawanan lamang ang ginagawa kasama ang mga kalaro o mga kaibigan. Kaya naman para sa mga “titos at titas” of Manila na minsan na ring nagdaan sa pagiging bata, malaki ang pasasalamat nila sa social media lalo na’t nagagawa nilang mag “throwback” sa mga nausong “trip” lalo na noong 90’s.

Nakapagtala ang Facebook page na Pepeng Pinakamalupet ng sampung bagay na madalas ginagawa ng kabataan noong 90’s, kaya’t kung laking 90’s ka, tiyak na relate-much ka rito.

Nariyan ang pagkagat sa bakal sa lapis upang mapalabas ang pambura at pagsipsip ng nectar o katas ng maliit na bulaklak ng santan.

Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet
Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet

Ang masarap na Stik-O naman na nagkakahalagang piso isang stick ay kunwaring “yosi” o sigarilyo naman at noong uso pa ang doorbell sa tarangkahan ng mga bahay, pinipindot ito at biglang tatakbo ang mga bata upang hindi mahuli o mapagalitan ng may-ari ng bahay.

Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet
Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet

Tiyak na naubo ka rin at natawag ng Inang Kalikasan sa pagpapak ng chocolate malt (partikular ng Milo na talaga namang masarap!) at nalibang sa paglalagay ng napakabangong mga kisses sa loob ng bulak para “manganak” ang mga ito.

Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet
Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet

Matapos kainin ang “Hany”, ang foil na pinagbalatan nito ay inilalagay sa ngipin at ginagawang braces. Ang mga nangangarap namang makapag-concert ay kumakanta sa harap ng electric fan, lalo na noong ipinalabas ang pelikulang “Titanic” at ginagaya ang marubdob na pagkakaawit ni Celine Dion sa soundtrack nitong ‘My Heart Will Go On.’

 Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet Mga larawan mula sa Fa
Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet

At panghuli, ang pagsusulat ng mga salita o “shout outs” sa mga alikabok na matatagpuan sa katawan o salaming bintana ng mga kotse at paglalaro sa tiles ng mall.

Mga
Mga larawan mula sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupet

Kung lahat ng iyan ay nagawa mo noon, certified batang 90’s ka, at pihadong naging makulay rin ang iyong kabataan. Sa mga hindi pa nasusubukan ang mga iyan lalo na sa mga millenials, maaaring ilagay sa inyong bucket list at gawin kung may pagkakataon.

 

Source :

Facebook

Loading...