Angeline, inaming humingi ng tawad si Sarah G sa kanya

  • Inamin ni Angeline Quinto na nagkausap na sila ni Sarah Geronimo
  • Kumalat ang isyu na nakunan umano ni Angeline ng video na pinagtatawanan si Sarah nang siya ay naging emosyonal sa concert
  • Ani pa ni Angeline ay mas tumaas ang respeto niya kay Sarah nang humingi ito ng paumanhin sa kanya

Inamin ni Angeline Quinto na nagkausap na sila ni Sarah Geronimo kaugnay sa kontrobersyang hinarap nila. Tumanggi si Angeline na ikuwento ang detalye ngunit lalo umanong tumaas ang respeto niya sa kanyang kapwa ASAP singer.

Ani pa ni Angeline sa ABS-CBN, “Ayoko na pong sabihin ‘to pero sobra akong lalo humanga kay Sarah, kasi nakatanggap po ako ng message sa kanya, at humihingi po siya ng sorry sa akin.”

Ito ay matapos may kumalat na kuwento sa mga Popsters o mga fans ni Sarah na nakunan umano si Angeline na pinagtatawanan ang video ni Sarah. Tinawag pa umano ni Angeline na “pabebe” si Sarah nang ito ay naging emosyonal sa kanyang concert sa Las Vegas.

Nasaktan rin umano si Angeline sa issue, “Maayos kasi kami ni SG e. Wala akong kahit anong… Wala akong kuwestiyon sa ugali ni Sarah, simula noon. Bata pa lang kami, magkakilala na kami. Nasasaktan din po ako na nangyayari ito sa amin, na ang daming taong nadadamay.”

Loading…