Australian nun na si Patricia Fox nangakong babalik kahit mapatalsik sa bansa

Sa ika-25 ng Mayo ay nakatakdang patalsikin sa bansa ang Australian nun na si Sr. Patricia Fox matapos akusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng political activism na labag umano sa mga patakaran ng kanyang visa.

Ayon sa ulat ng Tempo, sinabi umano ni Sr. Fox na kahit na mapatalsik siya ay pipilitin niya na muling makabalik sa Pilipinas.

Si Fox ay ipinadedeport ng Pangulo dahil sa paglahok ng madre sa political rally sa Davao City kung saan nakunan pa siya ng larawan habang nagsasalita hawak ang isang mikropono.

Anang madre, umaasa pa rin siya na sana ay may mangyari upang mahinto ang pagpapatalsik sa kanya.

Dagdag niya, kahit na hindi pakinggan ang kanyang apela ay nais niya rin daw na bumalik sa Pilipinas kahit bilang turista at ituloy ang kanyang mga gawain sa bansa na naging tahanan na niya ng halos tatlong dekada.

“If I can come back as a tourist I’ll try and come back. This is my life,” ani Fox.

[Kung maaari akong makababalik bilang turista ay susubukan ko at ako’y babalik. Ito ang buhay ko.]

Loading…