Awra nasa maaayos nang kalagayan makaraang sumailalim sa operasyon

Image capture from Awra Briguela Instagram account

Sumailalim sa operasyon  ang batang aktor na si Awra, o McNeal Briguela sa totoong buhay, dahil sa sakit na appendicitis.

Sa  Instagram post ni Awra, ibinahagi nito ang larawan niya sa ospital kung saan  dinalaw siya ng kanyang mga kaibigan na sina AC Bonifacio at Riva Quenery.

Ito ay may caption na: “Salamat sa pag dalaw bestieee @andreebonifacio.”

Salamat sa pag dalaw bestieee @andreebonifacio 😘😘

A post shared by Δwʀα (@awrabriguela) on

Hindi naman idinitalye ni Awra ang kanyang kondisyon ngunit binanggit nito na siya’y nanggaling sa ‘operating room.’

“Ate @riva madaming madaming salamat sa love ate grabe nalaman mo lang na nasa ospital ako ang bilis mo akong pinuntahan 😢 tapos nung nasa “OPERATING ROOM” ako nan dyan ka lang hanggang matapos yun salamat sa pag pray mo saken love you ate Never kong na feel na hindi ako importante sayo “

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Henry Quitain, na head writer ng Star Cinema at siya ring manager ni Awra, na dinala ang aktor sa isang ospital sa Quezon City nitong Linggo, Mayo 20.

Nasa maayos na kalagayan na umano si Awra at walang dapat ipag-alala ang mga fans nito.

Kasalukuyang bahagi si Awra ng sikat na seryeng “FPJ Ang Probinsyano.”

Magugunitang nakilala si Awra sa kanyang mga nakaaaliw na videos online.

Get well soon, Awra!

Loading...