Bea Alonzo, inaming muntik nang iwan ang mundo ng showbiz

Mga larawan mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Inamin ng mahusay na aktres na si Bea Alonzo na apat na ulit na niyang inisip na iwan ang mundo ng showbiz at tuluyang yakapin ang tahimik, simple, at “normal” na pamumuhay.

Nabuksan ang hinggil sa isyung ito nang maging panauhin siya sa morning talk show na Magandang Buhay noong Mayo 8, 2018.

Naanyayahan siya ni Bianca Gonzales na magbigay ng payo sa isang netizen hinggil sa kung paano malagpasan ang burn-out sa ginagawa sa kanyang YouTube vlog na “Paano Na To. “

Sinabi ni Bea na lahat naman ng tao ay dumaraan sa burn-out, at kahit siya ay hindi nakaligtas dito. Tatlong beses daw siyang nakaramdam na tila nais na niyang iwan ang masalimuot na buhay-artista at magpakalayo-layo na lamang. Naramdaman niya ito noong ginagawa niya ang teleseryeng Maging Sino Ka Man Book 1 noong 2006.

Maging Sino Ka Man Book 1

“May mga times na dumating ako sa point na gusto ko nang mag-quit. Tumitingin na ako ng mga properties sa ibang bansa, na doon na ako titira sa Canada,” pag-amin ni Bea.

Sumunod niyang naramdaman ang burn-out noong ginawa niya ang isa sa mga hindi malilimutang pelikulang One More Chance, kasama ang katambal na si John Lloyd Cruz, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ng mga tao ang kanilang mga karakter bilang Popoy at Basha. Nagpapasalamat siya at hindi na naman ito natuloy.

“‘Yung ‘One More Chance,’ nagkaroon ako ng ibang perspective sa acting at sa craft. Parang nagkaroon ng second wave ng love for this business na nawala kasi na-burn out ako. Nakakapagod,” paliwanag ni Bea.

Naramdaman umanong muli ni Bea ang pagnanais na magpahinga matapos ang muling pagtatambal nila ni John Lloyd sa The Mistress noong 2012.

At panghuli, nang ginawa niya ang The Love Affair kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta noong 2015.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain
Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Sa halip na magpadalos-dalos sa kanyang mga desisyon, minabuti ni Bea na magdasal upang malinawan ang kanyang pag-iisip sa kung ano ang kanyang dapat gawin. Dagdag pa niya, isa siyang ispiritwal na tao kaya kung anuman ang nais ng Diyos na tahakin niya ay susunod siya.

Ang nagiging motibasyon ni Bea sa tuwing makararamdam ng burn-out at pagbitiw sa tugatog ng kasikatan bilang mahusay na aktres ay ang mga dumarating na proyekto para sa kanya.

Payo ni Bea: “I-figure out mo kung ito ba talaga ang gusto mong gawin. It’s not fair for your employer na kinukuha ka niya, binabayaran ka niya for a job na hindi mo ginagawa nang maayos. Half-hearted mo lang ginagawa. It’s not fair for you na ginagawa mo ‘yung isang trabaho na hindi mo na mahal.”

Para kay Bea, kung talagang mahal ng isang tao ang kanyang trabaho o ginagawa, tiyak na siya ay magtatagumpay.

Loading...