Bilang ng mga bansang hindi kailangan ang visa para sa mga Pinoy, muling nadagdagan

Image capture from Henley & Partners

MAYNILA, Pilipinas – Muling nadagdagan ang bilang ng mga bansang puwedeng puntahan ng mga Pilipino na hindi kailangan ang visa; ito ay base sa pinakahuling ulat na inilabas ng Henley & Partners Passport Index para sa taong 2018.

Nadagdagan ng 3 bansa ang nag-aalok ng visa-free para sa mga turistang Pinoy kumpara sa listahan (63) na inilabas nitong nakaraang Enero. Ang mga bansang nadagdag ay kinabibilangan ng Benin, Tajikistan, at Palestinian Territory; dahilan para tumaas ang bilang sa 66.

Tumaas din ang ranggo ng Pilipinas bilang pinakamapangyarihang pasaporte sa buong mundo mula 72nd noong 2015 paakyat ng 70th.

Sa Southeast Asia, nananatiling pang-7 ang Pilipinas bilang may pinakamakapangyarihang pasaporte.

Sa kasalukuyan, ito na ang updated listahan ng mga bansa na hindi na kailangan ang visa para sa mga dumarayong Pilipino:

ASIA

  1. Brunei
  2. Cambodia
  3. Hong Kong
  4. Indonesia
  5. Kyrgyzstan
  6. Laos
  7. Macao (SAR China)
  8. Malaysia
  9. Maldives
  10. Mongolia
  11. Myanmar
  12. Nepal
  13. Singapore
  14. Sri Lanka
  15. Taiwan
  16. Tajikistan
  17. Thailand
  18. Timor-Leste
  19. Vietnam

AFRICA

  1. Benin
  2. Cape Verde Islands
  3. Comores Islands
  4. Cote d’Ivoire (Ivory Coast)
  5. Djibouti
  6. Gambia
  7. Guinea-Bissau
  8. Kenya
  9. Madagascar
  10. Malawi
  11. Mauritania
  12. Mauritius
  13. Morocco
  14. Mozambique
  15. Rwanda
  16. Seychelles
  17. Somalia
  18. Tanzania
  19. Togo
  20. Uganda

OCEANIA

  1. Cook Islands
  2. Fiji
  3. Marshall Islands
  4. Micronesia
  5. Niue
  6. Palau Islands
  7. Papua New Guinea
  8. Samoa
  9. Tuvalu
  10. Vanuatu

CARRIBBEAN

  1. Dominica
  2. Haiti
  3. Lucia
  4. Vincent and the Grenadines
  5. Trinidad and Tobago

AMERICAS

  1. Bolivia
  2. Brazil
  3. Colombia
  4. Costa Rica
  5. Ecuador
  6. Nicaragua
  7. Peru
  8. Suriname

MIDDLE EAST and EUROPE

  1. Armenia
  2. Iran
  3. Israel
  4. Palestinian Territory

    Image capture from Henley & Partners
    Image capture from Henley & Partners

Samantala, ito naman ang listahan ng 10 bansang mayroong pinakakamapangyarihang pasaporte at ang bilang ng bansang maaari nilang puntahan na hindi na kailangan ang visa:

  1. Japan (189)
  2. Germany (188)
  3. Singapore (188)
  4. Finland (187)
  5. France (187)
  6. Italy (187)
  7. Sweden (187)
  8. Spain (187)
  9. South Korea (187)
  10. Norway (186)
Loading...