Bilang ng walang trabaho sa 1st quarter ng 2018 pumalo sa 10.9 milyon

Tumaas ang bilang ng mga mga Pilipinong walang trabaho sa unang sangkapat o 1st quarter ng taong 2018, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Ayon sa ulat ng Manila Times, batay sa survey na ginawa ng SWS noong March 23-27 ang adult unemployment ay pumalo na sa 10.9 milyon. Noong Disyembre ng nakalipas na taon ang unemployed adults ay nasa 7.2 milyon lang.

Ito na umano ang pinakamataas na naitalang adult unemployment simula noong December 2016.

Kabilang umano sa bilang ng mga walang trabaho ang mga kusang umalis sa kanilang dating pinapasukan na nasa 12.6 na porsiyento o katumbas ng 5.milyong adults; mga naalis sa trabaho na nasa 7.7 % o tinatayang 3.5 milyong adults at ang mga first-time job seekers na nasa 3.5% o isang milyong adults.

Ang bilang ng walang trabaho ay tumaas sa lahat ng lugar maliban sa Metro Manila kung saan bumaba ang bilang ng mga ito.

Ang survey ng SWS ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adults.

Loading…