Campaign period para sa Barangay at SK elections, nagsimula na

Nagsimula na nitong ika-4 ng Mayo ang siyam na araw na panahon ng kampanyahan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gaganapin sa ika-14 ng buwang kasalukuyan.

Ayon sa Manila Bulletin, sa pamamagitan ng Resolution No. 10246 ay itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang campaign period mula ika-4 hanggang ika-12 ng Mayo. Nagbigay din ng paalala ang Comelec sa mga kandidato na sundin ang mga campaign rules gaya ng common poster area.

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez na ilegal na magdikit, mag-display at exhibit sa tatlong ispesipikong lugar.

Ito ay ang mga sumusunod:

  • Sa labas ng common poster area
  • Sa mga pampublikong lugar
  • Sa pribadong ari-arian nang walang pahintulot ang may-ari.

Pinaalalahanan din ni Jimenez ang mga kandidatao na bawal gumamit ng alambre at metal na pako sa pagkakabit ng campaign materials. Ang sukat ng poster ay dapat hindi lalampas sa 2 x 3 feet.

Umaasa ang Comelec na susundin ng mga kandidatao ang mga patakaran.

Loading…