Christian Standhardinger  pangungunahan ang pambansang koponan sa 2018 FIBA 3×3 World Cup sa Pilipinas

Hindi pa nakapaglalaro sa kanyang unang laro si Christian Standhardinger  para San Miguel Beermen ay binigyan na siya agad ng special assignment — ang maglaro sa 2018 FIBA 3×3 World Cup.

Ayon sa ulat ng Spin, makakasama ni Standhardinger sina TNT Troy Rosario at RR Pogoy, gayundin si Stanley Pringle ng Globalport Batang Pier.

Ang 2018 FIBA 3×3 World Cup ay gaganapin sa Hunyo 8-12 sa Philippine Arena.

FIBA has different eligibility rules for 3×3,” ayon kay Al Panlilio, SBP President.

As long as they have a Philippine passport, they are qualified,” dagdag pa nito.

Matatandaan na noong 2017 ay naglaro para sa Pilipinas sina Kobe Paras, Kiefer Ravena, Jeron Teng, at JR Quinahan sa World Cup sa France  kung saan nagtapos sila ng  11th place.

Samantala, kakatawan naman sa women’s division  sina NU star Afril Bernardino, Jack Animam, Janine Pontejos, at Gemma Miranda

Loading…