Concerned netizen, bumuwelta kay Diokno sa pamamagitan ng paglalarawan sa kalagayan ng “jeepney drivers”

Sa bilis ng takbo ng buhay ngayon, kadalasang hindi napapansin ng maraming tao ang kahalagahan ng mga bagay-bagay sa paligid, at wika nga sa Ingles, nate-“take for granted” ang mga simpleng trabahong may malaking gampanin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng maraming Pilipino.

Isa na riyan ang mga jeepney drivers.

Isang concerned netizen na nagngangalang Lian Nami Buan ang nagbahagi ng larawan ng isang jeepney driver na sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong May 3, 2018.

Ayon sa netizen, napansin niya ang hirap na dinaranas ng isang karaniwang jeepney driver na halos maghapong napapagod sa kahihintay ng pasahero, sa kakamaneho sa kabila ng tindi ng init ng panahon at makina ng sasakyan, at pagkatapos ay  magsisiuwi sa kani-kanilang mga pamilyang na sapat lamang ang kinita, o kung minsan, kapag minalas ay wala pa.

It is 36 degrees today. Waiting for a jeepney to be full so we can go on our way is twice as tormenting. The sun seeps on your skin and you are bathed in sweat. I can only imagine what the driver feels, he’s been at it since God knows how early. After 10 minutes, he gives up waiting, he steps on the gas to ferry me – one passenger – to my destination. That’s 8 pesos for a 10-minute ride, not considering traffic.

His face scrunches, he takes his towel and wipes away sweat on his lined forehead. He shakes his head. It’s a shi**y trip on a shi**y day, for a shi**y amount. But he has a job to do.

Naging tila banat din ito kay Budget Secretary Benjamin Diokno dahil sa tinuran nito kamakailan na hindi magugutom ang mga Pilipino kung magsisipag lamang. Sinabi ng netizen na marami sa mga Pilipino ang masisipag subalit bakit hindi pa rin umaasenso o nananatiling gutom?

This, Secretary Ben Diokno, is who you are referring to when you say no Filipino would go hungry if they just work hard.

This is a go**da** hardworker.

And we will raise hell, and hell again, the next time you call him lazy. Because you don’t have a motherf***ing right.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens. May mga sumang-ayon sa tinuran ng netizen at may mga tumutol naman dito.

Samantala, ang netizen na si Lian Nami Buan ay may kaugnayan sa Rappler.

Loading…