Dela Rosa nakipag-bonding sa anak na si Rock sa PNPA

Sunday is family day!

Sa mga magulang na malayo sa piling ng kanilang mga anak, sila’y humahanap ng paraan upang makasama ito kahit sa maikling oras lamang.

Binisita ni Bureau of Corrections chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang kanyang anak na si Rock Dela Rosa sa Philippine National Police Academy (PNPA) nitong Mayo 6.

Sa Facebook post ng BuhayLespu, ibinahagi nito ang larawan ng bonding ng mag-amang sina BuCor Chief Dela Rosa at si Rock.

“Sunday is a happy day if you can be with your only son.” Gen. Ronald ” BATO” Dela Rosa (Ret.,)” ayon sa caption nito.

"Sunday is a happy day if you can be with your only son." – ????Gen. Ronald " BATO" Dela Rosa (Ret.)#FatheAndSon ??

Posted by BuhayLespu on Saturday, May 5, 2018

Maraming netizens ang humanga sa bonding ng mag-ama. May nagbiro pa nga na sila’y tila magkapatid lamang.

Kamakailan ay naiulat na tagilid sa dalawang subject si Rock sa PNPA ngunit nagpahayag pa rin ng suporta ang ama sa anak.

Naramdaman ko, mukhang napapagod na, pero sabi ko nga ‘anak, hindi kita pinipilit dito na tumuloy… pero ‘pag mag-quit ka, you are very much welcome. Uwi na tayo kung ayaw mo na. Hindi kita pinipilit dito dahil ayaw kong mahihirapan ka’,” ayon kay Dela Rosa.

Loading…