‘Diamond’ + ‘Phenomenal’: Maricel at Maine, posibleng magsama sa isang pelikula

Mga imahe mula sa Facebook pages na Maricel Soriano at Maine Mendoza

Paano kung magsama sa isang pelikula ang dalawang pinakamaniningning na bituin ng kani-kanilang panahon?

Ayon sa PEP, posibleng magkaroon ng project sina Diamond Star Maricel Soriano at Phenomenal Star Maine Mendoza.

Binigyan umano ng entertainment columnist at film critic na si Mario Bautista ang direktor na si Eric Quizon ng ideya na pagsamahin sa isang proyekto sina Soriano at Mendoza dahil parehong mahusay sa comedy at drama ang dalawa.

Nae-excite daw si Eric sa posibilidad na magkasama ang dalawang aktres sa isang pelikula na maaaring isali sa Metro Manila Film Festival 2018 dahil parehong mahal ng masa ang dalawa.

Matalik na magkaibigan sina Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. at Tony Tuviera (manager ni Mendoza) ng APT Entertainment kaya puwede sila magsanib-puwersa upang matuloy ang nasabing proyekto.

Minsan nang dinub ni Mendoza ang mga linya mula sa pelikula ni Soriano na Minsan Lamang Magmamahal.

“Gusto mo kaming magkakilala ng kerida mo? Bakit? Para maging magkaibigan? Para magpalitan ng recipe ng spaghetti? saad ng mga linya sa nasabing pelikula.

Loading...