Dr. Vicky Belo, parang nanalo sa lotto nang makipag-selfie si Mayweather sa kanya

Imahe mula sa Instagram account ni Dra. Vicky Belo

Masayang idinetalye ni Dra. Vicky Belo sa kanyang social media account ang engkwentro niya sa sikat na American Boxer na si Floyd Mayweather, Jr. na nasa bansa ngayon.

Ani Dra. Belo sa kanyang post sa Instagram account niya, para umano siyang tumama sa lotto nang pumayag ang boksingero na makunan niya ng litrato. Bukod pa roon, pinalapit pa siya ni Mayweather upang makipag- selfie sa kanya.

Kuwento ng celebrity doctor, nang dumating daw siya sa Greenbelt 4 sa Makati ay nasa loob na ng isang black SUV si Mayweather kasama pa ang tatlong sasakyan at paalis na. Sinabi sa kanya ng mga taong nag-aabang sa tapat ng Louis Vuitton outlet na ayaw raw magpakuha ng picture ang boksingero.

Ani Dra. Belo, tumayo siya sa bandang harapan ng tinted window ng black SUV at sumenyas siya kung maaaring kumuha ng picture.

Nasorpresa umano si Dra. Belo nang buksan ni Mayweather ang bintana kaya nakunan niya ito ng larawan. Mas nagulat umano siya nang pinalapit siya ni Mayweather at niyaya siyang makipag-selfie.

Parang tumama raw siya sa lotto dahil sa dinami-dami ng tao sa lugar ay siya pa ang napili ni Mayweather na kumuha ng larawan.

Ang nakakatawa pa raw, ayon sa doktora, ay ang maraming tao na hindi napaunlakang kumuha ng picture ni Mayweather ay siya na lang ang piniktyuran.

Loading...