
Inatasan ng Malacañang ang mga ahensiya ng gobyerno — kabilang ang government-owned and controlled corporations (GOCC) — na tugunan ang lahat ng public requests at concerns sa loob ng 15 araw.
Sa Memorandum Circular No. 44 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, isinapormal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na siya’y tutugon sa pangangailangan ng publiko sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, ayon sa ulat ng ABS CBN.
READ: Palace issues memo directing government agencies to act on public requests within 15 days @ABSCBNNews pic.twitter.com/sCSaREr5wK
— Dharel Placido (@dgplacido) May 7, 2018
Nilagdaan ang naturang kautusan noong May 4.
Magugunita na makailang beses nang binanggit ni Duterte sa ilan niyang talumpati na kailangang maging mabilis ang serbisyo ng mga frontline government agencies sa publiko upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.