Duterte muntik nang magpasuri sa isang psychiatrist

Muntik nang patulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hamon noon ni United Nations Human Rights Chief Zeid ra’ad al Hussien na magpasuri sa isang psychiatrist.

Nitong mga nakaraang buwan ay sunod-sunod ang pagpuna ni Duterte kay UN Special Rapporteurs Agnes Callamard.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, sinabi ng Pangulo na pinigilan lamang siya ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na birahin si Zeid dahil kamag-anak umano nito si King Abdullah ng Jordan.

Wika ni Duterte, ayaw ni Esperon na maantala ang kinukuhang dalawang cobra attack helicopter na ibibigay ng Jordan.

Pinayuhan na lamang ni Esperon si Duterte na tanggapin na lamang ang insulto.

I was criticized by a human rights commissioner, or the highest guy. And he said, “maybe Duterte needs to go to the psychiatrist.

“I would have wanted to but Esperon said, “no, do not do it. Maybe mayor, you can swallow insults.”

Nitong Mayo 22 ay inanunsyo na ni Duterte na natanggap na ng Pilipinas ang dalawang cobra attack helicopter mula sa Jordan.

Hindi umano kayang bilhin ng Pilipinas ang helicopter dahil may kamahalan ito.

Anang Punong Ehekutibo, gagamitin ng Pilipinas ang cobra attack helicopter laban sa terorismo.

 

Loading...