Highest text votes! Pinoy pasok sa ‘Belgium’s Got Talent’ finals

Image capture from Alain Donvez Facebook account/You Tube

Laman ngayon ng lokal na pahayagan ng Belgium ang isang Pinoy-Belgian at kabigan nito dahil sa performance nito sa “Belgium’s Got Talent.”

Ayon sa ulat ng ABS CBN, si Ian Lodens at Natascha Van Es ay pasok sa finals ng naturang talent show makaraang makakuha ng pinakamataas na bilang ng text vote sa semi-finals.

Matatandaang si Ian Lodens ay nagwagi sa Jujitsu World Championship sa  ikatlong pagkakataon.

Sa audition pa lamang ay pinahanga na nina Lodens at Van Es sa kanilang mga acrobatic dance.

Ani Lodens, hindi niya inaasahan ang magandang pagtanggap sa kanya ng mga hurado at mga manonood lalo na’t ang mga acrobatic dance ay halos wala pang isang taon nang ginawa niya ito.

Wika pa ni Lodens, ang kanyang kaalaman sa martial arts at araw-araw na training ang nagpapanatili sa kanya bilang fit.

I pay attention to my food, I have my martial arts training, jujitsu, karate so I’m like busy with these things,” ani Lodens.

Sa kabilang banda, kalugod-lugod naman kay Van Es ang reaksyon sa kanya ng mga manonood.

Ilang taon na ring nagsasagawa ng acrobatics si Van Es at hindi rin niya inaasahan ang mga papuring kanyang natatanggap.

We are training a lot now, almost every day, because we want to improve our element. We are also looking it up, try new stuff and if it works out, that’s good. But we have to do it a thousand times before we go on stage,” ani Van Es.

Samantala humiling  naman ng suporta ang ina ni Loden na isang Pinoy sa Filipino community at Belgians.

Proud ako na world jujitsu champion si Ian at mas lalo na ngayon na nasa finals siya ng ‘Belgium’s Got Talent.’ Kaya mga kababayan ko, sana suportahan niyo sina Ian at Natascha,” ayon kay Rebecca Amor.

Ang  grand finals ng “Belgium’s Got Talent” ay gaganapin sa May 25.

Panoorin ang audition na ito nina Lodens at Van Es:

 

Source :

You Tube, ABS CBN

Loading...