Hinayaan lang? Bus na nakahagip ng kariton ng mani, hindi man lang hinintuan ang pangyayari

Isang kariton ng mani ang tumilapon makaraang masagasaan diumano ng isang bus na sinasabing nangyari sa Sampaguita Road sa San Jose Del Monte Bulacan.

Sa Facebook post ng Matalinong Matsing, ibinahagi nito ang larawan ng tumilapong kariton ng mani na nasagasaan diumano ng isang bus.

Ito ay may caption na: “Mga Pards, tignan nyo! di manlang hinintuan itong mga bata na marangal n naghahanap buhay! Sinagasaan ang paninda. Itong bus na may plaka na TXP 542 NAIA Transport! Ikalat na to!!”

Ayon sa komento ng isang netizen, likas na pakurbada umano ang daanan kung saan nakatumba ang kariton.

Maaaring napadaan lang umano ang tindero ng mani kaya inabot ang kanyang kariton. Saad pa nito, hindi talaga doon nakapuwesto ang tindero dahil batid nitong ito’y daanan.

Dagdag pa nito, hindi kakasya sa sidewalk ang kariton dahil makikita naman sa larawan na sagad sa bakod ang mga kabahayan at halos mangalahati ang sidewalk.

Hindi rin daw maaaring sisihin ang bata dahil ito’y daanan talaga ng mga tao kaya’t sa gilid ng kalsada sila nagtutulak n gkariton.

Eh sino ang dapat managot?

Hati ang reaksiyon ng mga netizens hinggil dito.

May mga netizens na naawa sa tindero dahil batid nila ang hirap ng pagtitinda. May mga galit din sa driver ng bus dahil wala raw itong malasakit sa tindero; na kung nasanggi man ang kariton, sana’y tinulungan ang mga bata.

Loading…