Hosting skills ni Toni, kinilala sa Umalohokjuan Media Awards 2018

Mga imahe mula sa Instagram account ni @celestinegonzaga

Pinarangalan ang actress-host na si Toni Gonzaga sa ginanap na Umalohokjuan Media Awards 2018 kamakailan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Gonzaga ang natanggap niyang tropeyo bilang Female Television Host Of The Year dahil sa pagiging host niya ng The Voice Teens PH.

“Maraming salamat, LYCEUM!” saad niya sa caption ng ibinahagi niyang larawan.

Maraming salamat LYCEUM!

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

Tuwang-tuwa ang mga tagasuporta ni Gonzaga sa natanggap niyang pagkilala.

“Congrats po, @celestinegonzaga, may kasunod pa po ‘yan,” sabi ni @joshuagelinavarro.

“Congratulations, idol, you deserved it dahil sobrang magaling ka,” wika ni @mommamiah_.

“Congratulations, Female TV host of the year!” kumento ni @karenncalinawan.

Ang Umalohokjuan Media Awards ng Lyceum of the Philippines University ay para sa mga tao, institusyon, at iba pang sumasalamin sa mga paniniwala ng founder nitong si Jose P. Laurel.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram

Loading...