Inspiring message ni Kim sa mga ekstra: Noon masaya na ako sa 500, tiis lang

Mga imahe mula sa Instagram account ni @therealkimdomingo

Isa na sa mga pinakamakikinang na bituin sa industriya ang aktres na si Kim Domingo. Ngunit alam ba ninyo na minsan din niyang naranasan kung gaano kahirap maging ekstra?

Imahe mula sa Instagram account ni @therealkimdomingo
Imahe mula sa Instagram account ni @therealkimdomingo

Sa Instagram, ini-repost ng sexy actress ang isang Facebook post na nagsasalaysay ng buhay ng isang ekstra.

“I just saw this on Facebook at hindi ko mapigilang hindi i-repost dahil totoo ito. Napakahirap ng buhay ng isang ‘talent’. Hindi ko makakalimutan no’ng mga panahon na nagta-talent pa ‘ko, highschool days ko. Mga panahong nangangarap pa lamang akong maging artista. Init, pagod, puyat, gutom, halo-halo na ‘yung nararamdaman mo,” pagbabahagi niya.

“Ta’s ‘pag kakain ka, kahit saan na lang basta may mapuwestuhan ka. Ako nga na-experience ko sa kalsada naglagay lang kaming mga kapwa ko talent ng sapin para may maupuan kami para makakain kami nang kahit papano kumportable. Tapos after kumain, mahaba-habang oras na naman aantayin mo kung kailan ka isasalang sa eksena. ‘Yung hindi mo alam ano oras ka makakauwi. Antok na antok ka na. Hahanap ka p’westo para umidlip man lang,” dagdag pa niya.

Kuwento pa ni Domingo, masaya na siya noon kapag kumikita siya ng P500.

“Masaya na ‘ko noon sa P500 na nauuwi kong TF [talent fee] from 7 a.m. to 8 a.m. kinabukasan bilang passer-by (‘yong dadaan ka lang sa eksena) pero aabutin ka halos 24 oras sa taping tapos ‘yong TF ko na P500, kung minsan ibibili ko ng damit or shoes para may magamit ako sa next taping ‘pag tinawagan ako ulit. At madalas naman bigay sa magulang pangdagdag pambili ng mga pangangailangan namin noon ng pamilya ko,” wika niya.

Ngayong natupad na ang pangarap ng aktres, hindi raw maiwasan na maalala niya ang sarili niya sa mga ekstra at nauunawaan niya ang mga ito.

Bago matapos ang post, nag-iwan ng inspirasyon ang aktres sa mga talent.

“Sa mga nagta-talent d’yan, kung gusto n’yo ginagawa n’yo, ipagpatuloy n’yo. T’yaga at tiis lang, dadaloy din ang ginhawa. At h’wag mawawalan ng pag-asa. Kung para sa pangarap, laban! Kung para kumita ng pera, laban! At h’wag makakalimot sa nasa itaas at kung saan ka nagmula. Hindi biro ang ginagawa n’yo at wala kayong dapat ikahiya d’yan. Saludo ako sa inyo,” ani Domingo.

I just saw this on facebook at hindi ko mapigilang hindi irepost dahil Totoo ito. Napakahirap ng buhay ng isang Talent. Hindi ko makakalimutan nung mga panahon na nagtatalent pako highschool days ko. Mga panahong nangangarap pa lamang akong maging Artista Inet,pagod,puyat,gutom halo halo na yung nararamdaman mo. Tas pag kakain ka kahit saan nalang basta may mapwestuhan ka. Ako nga naexperience ko sa kalsada naglagay lang kaming mga kapwa ko talent ng sapin para may maupuan kami para makakain kami ng kahit papano kumportable. Tapos after kumain mahaba habang oras nanaman aantayin mo kung kailan ka isasalang sa eksena. Yung hindi mo alam ano oras ka makakauwi. Antok na antok kana. Hahanap ka pwesto para umidlip man lang. Masaya nako noon sa 500 pesos na nauuwi kong tf from 7am to 8am kinabukasan bilang passer by (yung dadaan ka lang sa eksena ) pero aabutin ka ng halos 24 oras sa taping tapos yung tf ko na 500 kung minsan bibili ko ng damit or shoes para may magamit ako sa next taping pag tinawagan ako ulit at madalas naman bigay sa magulang pangdagdag pambili ng mga pangangailangan namin noon ng pamilya ko. Madaming rason kung bat nagtatalent ang isang tao. Yung iba gusto nila madiscover dahil pangarap nila mag artista yung iba gusto lang talaga kumita ng pera, at kung ano ano pang rason. Pero ako noon dalawang dahilan. Dahil gusto ko madiscover dahil pangarap kona talaga mag artista bata pa lamang ako , at sympre ang kumita ng pera para matulungan ang magulang at sarili. Ngayon masaya ko, dahil ang dalawang dahilan na yon ay natupad na at sobra sobra pa sa hinangad ko. Kaya everytime makakakita ako ng mga talent palagi ko naaalala na minsan naging katulad din nila ko Nakikita ko sarili ko sakanila noon. Kaya sa mga nagtatalent dyan kung gusto nyo ginagawa nyo ipagpatuloy nyo. Tyaga at tiis lang dadaloy din ang ginhawa. At wag mawawalan ng pag-asa kung para sa pangarap laban ! kung para kumita ng pera laban ! At wag makakalimot sa nasa itaas at kung saan ka nagmula Hindi biro ang ginagawa nyo at wala kayong dapat ikahiya dyan saludo ako sa inyo

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on

Source :

Instagram

Loading...