Inspiring: MMA 2018 awardee Moira, isa lamang fan noon ng MYX

Imahe mula sa Instagram account ni Moira Dela Torre

Binalikan ng MYX Music Awards 2018 (MMA 2018) awardee na si Moira Dela Torre ang mga panahon kung kailan isa lamang siyang simpleng fan ng MYX.

Sa Instagram, ikinuwento ni Dela Torre — ang mang-aawit sa likod ng Malaya na itinanghal na Mellow of the Year — na palihim siyang nagpupuyat noon sa panonood ng MYX kahit batid niyang pagagalitan siya kapag nahuling ginagabi sa panonood kahit may pasok sa eskwela kinabukasan.

“Naaalala ko pa po ‘yung mga gabing nagpuyat ako para lang manood ng @myxph tapos ‘yung sobrang lapit pa sa TV kasi mahina lang ‘yung volume para ‘di ako pagalitan na gising pa ‘ko on a school night,” pagbabahagi ng popular singer.

Binalikan din ni Dela Torre ang unang beses na nakapanood siya ng MMA.

“Naalala ko rin ‘yung unang-una ako nakanood ng MMA kasi may ekstrang ticket ‘yung kaibigan ko tapos pambatang pulbos lang makeup ko kasi akala ko okay na ‘yun,” wika niya.

Hindi raw kailanman sumagi sa isipan niya na darating ang panahon at pararangalan din siya ng MYX katulad ng kanyang mga napapanood noon.

“Hindi ko po inakalang makakatanggap ako ng award galing sa channel na isa sa mga unang tumulong sa ‘king mangarap,” aniya.

Isa lamang patunay ito na kapag nagsikap ka at nanalig, higit pa sa pinapangarap mo ang maaari mong maabot.

Naaalala ko pa po yung mga gabing nagpuyat ako para lang manood ng @myxph tapos yung sobrang lapit pa sa TV kasi mahina lang yung volume para di ako pagalitan na gising pa’ko on a school night. Naalala ko rin yung unang una ko makanood ng MMA kasi may extrang ticket yung kaibigan ko (hi @jacquedeborja & @johanndb!!) tapos pambatang pulbos lang make up ko kasi akala ko okay na yun Hindi ko po inakalang makakatanggap ako ng award galing sa channel na isa sa mga unang tumulong sa’king mangarap. Kuya Pratty, this music video was one of God’s funny ways of telling us we had to go thru all that we went thru because He needs to secure it in our hearts that we are family now. I’m so happy that He even secured it with this award. Thank you for everything kuya pratty!!! I’m so happy the world is seeing how great of a director you are. Kuykuys @samuelmilby we missed you last night! Sharing this award with you. I love you! I’m so proud and blessed to have you both as my kuyas! Thank you to our @brightbulbproductions @cornerstone & @starmusicph family. Thank you to my @ofcmoisters who tirelessly vote for me in everything And Congratulations also to all our fellow nominees and winners! I’m so proud of all you! Lastly, Thank You, Lord, for always going above & beyond. This is for You #myxmusicawards2018 Hmu: @theleiponce Styled by: @icavillanueva

A post shared by Moira Dela Torre (@moirarachelle) on

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram

Loading...