JC De Vera sa pagiging new daddy- ‘I’m proud to be one’

Image capture from JC De Vera Instagram account

Isa nang ganap na ama si “Since I Found You” star JC de Vera; ito ay ayon mismo sa kanyang manager na si Leo Dominguez.

I’m proud to be one,” ani JC. Sa pamamagitan ng kanyang manager.

Ayon kay Dominguez, “Private nga po lang ‘yun, kasi non-showbiz po ang mom ng anak niya. Hanggang doon na lang po muna.

Ang pag-aming ito ni JC ay kasunod ng lumabas na larawan ng aktor kasama ang pinaniniwalaang mag-ina nito kung saan blurred ang mukha ng babae sa larawan.

Sa mga sandaling ito ay wala pang social media post si JC. Ngunit ayon sa ulat ng PEP, hindi talaga mahilig mag-post sa social media si JC dahil nais nitong panatilihin lamang ang pribadong buhay.

Source :

PEP, ABS CBN, ABS CBN

Loading...